Loveless?

on Wednesday, November 21, 2012
"Life has two aspects. Masaya at yung malungkot. Hindi palaging gusto ka ng taong gusto mo."
-Caller, Tambayan 101.9

Lahat ng tao may iba't-ibang gusto. Iba-iba ang standards. Kaya ang resulta, madalas di tayo nagkakapareho ng nagugustuhan. Tulad nalang sa pag-ibig, kung gusto mo yung isang tao, hindi mo pwedeng kontrolin na magustuhan ka niya. Malay mo di niya mahanap sa'yo yung gusto niya sa isang tao. Pwedeng magustuhan ka niya, pero pwedeng sa ibang bagay. Pwedeng gusto ka lang niya bilang kaibigan. Di niya nakikita na maaring para kayo sa isa't-isa. Kung naaalala niyo sa luma kong entry, "Lahat ng bagay may oposisyon". Kung doon nabanggit ko yung magagandang bagay tungkol sa oposisyon, syempre may part na minsan masasaktan ka dahil sa oposisyon na yan.

Kung ayaw niya sa'yo, anong magagawa mo? Ang una kong naisip sa tanong na yan ay..

Tanggapin mo sa sarili mo na di lahat ng gusto nakukuha. Sa pag-ibig, di uso yung "What <Name> wants, <Name> gets". Isa sa pinaka mabisang hakbang sa matiwasay na pag move-on ay yung pagtanggap. Kung hindi kayo, e di hindi. May magagawa ba tayo? Malay mo..

Alamin mo kung anong gusto niya sa'yo bilang isa sa mga kakilala niya. Syempre imposibleng wala syang magustuhang kahit ano sa'yo. Kung halimbawa gusto ka niya bilang kaibigan, gawin mong maging isa sa pinaka-mabuting kaibigan. Minsan naman gusto nila ng parang "kapatid image", e di gawin mo. Kung tutuusin mas masaya yun. Nasa sa'yo nga lang kung paano. 



Masaya umibig. Masakit ang di magustuhan. Pero sa kahit papaano masaya maging mag-isa. Magagawa mo ang lahat. Di kailangan magmadali, sabi nga:

"Kailangan lang ng PERFECT TIMING."
-Anna Dominique Reyes, Blogger -Ngiti Tayo, Kaibigan

Tikas look.

on Monday, November 19, 2012
Sa panahon ngayon, masyado nang delikado ang makipaghalubilo sa mga estranghero. Mga estranghero na nakakasalubong mo sa kalsada. Di mo alam kung sino ang may masamang balak o wala. Pero isa sa mga dahilan kung bakit may mga taong nabibiktima ng mga masasamang estranghero ay yung kung pano nila dalin ang sarili nila. Yun bang muka kasi silang masyadong mabait at madaling utuin. Di ko naman sinasabi na lahat ng maamo yung muka e madaling utuin. ibig ko lang sabihin e, madalas kasi isa yun sa mga tinitignan ng mga masasamang estranghero. At dahil diyan, may solusyon na! (Tenenenen tenen!!)

INTRODUCING:


*Drum roll..*



THE TIKAS LOOK!


Oo. Yan mismo. Syempre sino ba naman ang hindi mangingilag kung may makakasalubong ka sa daan na kung makalukot ng muka e, kulang nalang ipangbato sa paper fight. (Yung laro ng mga estudyante na nagbabatuhan ng nilamukos na papel) Isa pa, bukod sa pang-iwas sa mga masasamang-loob, proteksyon din ito sa matinding sikat ng araw habang nag-aantay ng FX.

Di na kailangan ng baril. Di na kailangan ng Pepper spray. Di na kailangang ng self-defense. All you need is "The TIKAS Look".
on Thursday, November 15, 2012
Wala akong gana mag-lagay ng entry these past few days due to personal problems.. I mean, emotional problems. Di ko alam. Paranoid ata ako. Pero thankful ako for at least having some friends na mag-uplift sa'yo. Nandiyan sila para kahit papano mapangiti ka, mapatawa. Kahit na alam nila sa likod ng mga tawa na 'yon, may babaeng nag-uumiyak. Di alam ang gagawin, nag-iisa.

Di kasi ako yung tipo ng tao na ma-pride. I don't care kung sino ang may kasalanan. All I care about is, kung mahalaga ka sa'kin, ayoko na may conflict tayo. Some people told me na hayaan ko lang. Pero minority ang nagsabi, habulin ko, magsorry, kausapin ko kahit na anuman yung mangyari, ibaba ang pride.


Move on...


Madaming beses ko yan narinig ngayong araw na 'to. From school hanggang sa work. I don't know what it means pero, ewan. Di ko alam kung makakatulong ba sya sa'kin o hindi.

I am in the state of confusion yet in the state of enlightenment. (Parang sinalumang panahon lang.)

I hate you November 13!!

on Tuesday, November 13, 2012
Akala ko ordinaryong araw lang ngayon. Pero hindi. Akala ko lang. Di ko akalain na ganito.

"Wala Macy.. Pikon ka!"
"..."

"Bitter ka?"
"... " *iling*

Oo, aaminin ko napikon ako sa kung ano man ang nangyari kanina. Takot kasi akong magmukang mahina sa harap ng madaming tao. Although simpleng bagay lang yung pinag-uusapan. Pero, ang tanga tanga ko lang. Di ko napansin may masama na ng loob yung mga taong nakapaligid sa'kin. Masakit. Di man lang ako gumawa ng paraan para makabawi. Agad. Ngayon sinong nahihirapan. Ako din naman. Ang bigat sa puso. Oo pagod ako sa trabaho, pero sino ang makakatulog sa ganitong sitwasyon? Ang hirap. Nakakawalang gana sa mga bagay bagay. Hindi ko na alam gagawin ko.


PS.

SORRY. </3

Expanded.

on Saturday, November 10, 2012
Gusto ko lang ibalita sa mga natitira ko pang readers at future readers ko na.. May extension na ang blogspot ko sa tumblr. Yay! *may applause* Although under major construction pa sya, nilabas ko na kahit na sa mga oras na ito ay isa palang ang entry ko. Masyado lang siguro akong excited. Hahaha!

Kita kita nalang tayo sa tumblr. ;)

Kaibigan.

on Friday, November 9, 2012
Sabi nga nila: Lahat ng bagay may oposisyon. May maganda, may panget. May seksi, may mataba. May matalino, at meron namang sadyang matalinaw lang. May maliit, may malaki. May itim, may puti. Madami yan. Ikaw na bahala magdagdag.

Karaniwan nating maiisip kapag narinig natin yung salitang oposisyon e, negatibo. Tipo bang: "Bat pa nauso yang oposisyon na yan?"

Pero nung isang araw. Natuwa lang ako. Kasi masasabi kong di pa din hadlang ang oposisyon sa ibang bagay. May nakita kasi akong magkaibigan, dalawang lalaki mga high school student sa isang prestihyosong paaralan. Umaambon nun at ang may payong ay yung mas maliit. Oo, kasi naman hanggang balikat lang sya nung kaibigan niya. Tapos sya pa yung may hawak nung payong. Pero may narinig ako dun sa usapan nila. Konti lang naman. Di na eksakto dahil nakalimutan ko na pero parang may competition ata sila next week at kasali yung maliit. Basta yun, tutulungan daw sya nung matangkad. Ewan. Ang hirap lang idescribe. O sadyang mababaw lang ako para maintindihan sila.


Sabi ko nga: Sa pagkakaibigan, ano ka man, ano man sila. Kung pare-parehas kayo ng trip anong magagawa ng iba. Maliban nalang kung sinali niyo sila.

Stainless Longganisa.

on Thursday, November 8, 2012
Kanina, maaga natapos yung natatanging kong subject. Kasabay nito na walang prof yung mga kasama ko tumambay sa canteen. Dahilan para walang mangyari sa amin. Maaga nagkaayaan umuwi, pero ako nag-aalangan dahil 5pm pa trabaho ko. Anong gagawin ko?

Trinoma. Naalala ko kasi may bibilin akong kung ano. Tapos, gaya ng orasyon ko sa tuwing pupunta ako sa mga mall, dadaan ako sa Bookstore. Tapos nagtingin ako ng libro at muling kong natagpuan ang likha ni Bob Ong na Stainless Longganisa. Noong unang beses ko sya nabasa, napangitan ako. Boring. Di katulad ng ABNKKBSNPLAko?! at ng Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? Pero dahil sa laki ng pinagbago ko ngayon. Kasi nga bigla akong nagkainteres sa pagbblog. (Salamat sa mga idolo ko. :""">) Binili ko sya. At binasa kong muli. Oo, luma pa yung panahon na yun. Di  pa ganun ka-high tech ng mga kagamitan. Pero magaganda yung mga nakalimbag. Kumbaga nga sa uso e, "All time favorite" Ang mga nakalagay. Muka mang baduy, pero kung iintindihin mo may sense. Nakaklahati ko palang yung libro pero dami ko ng natututunan para maging mas epektibong blogger. Alam ko naman kasi na 95% sa blogs ko e, walang kwenta. Dahil din sa librong ito, mas lalo akong nagkainteres sa pagpapaunlad, di lang ng blog ko kundi pati na din ng sarili ko.


Unti-unti alam ko may improvement na magaganap. Ayoko na naman kasi magsayang ng pera at pagod tapos mapupunta lang sa wala.


Sayang nga yung mga naiisip ko kapag di nakaharap sa computer. Mga ideya na sana ay naibahagi ko. Oo. Tamad kasi ako. Pero masipag ako mag-isip. May naiisip ako na mga magandang bagay, madalas di ako nakaharap sa computer. Tinatamad ako magsulat kaya pag nakalipas ang limang minuto, expired na yung ideya ko. Di ko na maaalala at tuluyan na syang mababaon sa limot.


Masipag naman ako magsulat e. Katunayan, Nabigyan ako ng prof ko ng activity na isulat daw ang biography namin. At di ko na inaasahan na napakahaba ng magagawa ko. Kung di lang nagmamadali yung mga kaklase ko e, baka nakalimang pahina ko. Kaso nakadalawa lang ako. Super short cut.


Ewan ko. Pero hanggang ngayon nag-aalanagan ako. Pero sa tulong ng sarili ko sana magawa ko 'tong mga bagay na ngayon lang sumagi sa isipan ko. Pagsagi na magkakaroon ng malaking marka sa 'kin bilang manunulat.

Why Divi? Whyyyy?!

on Wednesday, November 7, 2012
Last night pag-uwi ko, natatawa ako na ewan sa bungad ng nanay ko:

Mama: Macy, nalaslas yung bag ko kanina.
Ako: Wee? Saan?
Mama: Sa Divisoria. Nag-Divisoria kasi kami ni Tita Helen mo kanina e.
Ako: Aw. May nakuha sa'yo?
Mama: Yung coin purse ko na palaka. (Yes, mahilig kami sa wallet na palaka. XD) Buti nga di yung ATM mo e.
Ako: *Troll face* Luhh. Nako ha.


Ewan ko ba bakit trip lang kami ng tadhana kapag nasa lugar na yan. Di ko alam kung magkaka-trauma ako or what. Pero naka-move on naman na ako sa nangyari sa'kin before. Lalala.



--
Dear Divi,

Sana last na si Mama.

-Macy :D

Tetris. Ulit.

on Tuesday, November 6, 2012


Tetris naman with Ate Nikki. Oo. Panalo ako diyan pero talo pa din ako. Kaadik lang.

In love?

AKO:  Bakit kapag nandito ka sumasaya araw ko.. ♪♫
Mama: Sino yang "Kapag nandito ka.." na yan. 
AKO: Wala a. :"""> (Kinilig secretly.)

LOL. Haha! Wala lang. Masama bang kumanta ng ganyan kapag umaga? Maganda gising ko ngayong week kahit na 3hours nalang ako nakakatulog. Na naman. Ewan. Stressless. Natutuwa lang siguro ako sa mga nagaganap ngayon since Christmas season is already in the air. 

Haha! So ayan. Masaya na ulit akong magbblog simula ngayon. Wala na munang bad vibes. Yeah.

Second Sem. Sooo?

on Sunday, November 4, 2012
Wala lang. Di ako excited sa 2nd sem. Actually, at this moment, di pa ako nakaka-enroll. Ewan. Kaka-bukas ko. Hala, inabot na ko ng first day ng 2nd sem. Lol. Ako na tamad. Nakakatamad mag-enroll pero gusto ko na mag-aral. Oo. Motivated ako nowadays. Kasi inspired ako pero di inspired. Ewan,  pero okay na din yun. Good vibes sa school, good vibes din sa work, equals.. HELLO GOOD VIBES. Lalala.

Hello Gen Meet.

Kagabi overnight na naman kami sa work. Pero masaya. Hahaha! Meeting meeting daw kami. Pero ang lumabas parang "Semi Party" ang nangyari. Pano naman kasi. Mas madami pa yung tawa kesa sa seryosong usapan.

Sabi ko nga kagabi: "Naks, first time na walang nakatulog sa Gen. Meet. ah." Sabi naman ni Abby: Syempre, sino ba naman ang makakatulog e, nag-Gangnam Style pa tayo."

Oo. Sumayaw kami ng Gangnam Style. Pati ako. XD

Masaya kahit walang tulog. Pero umaga na ko nakauwi dahil nagpalipas muna ako ng madaling araw sa store. Nakakatamad umuwi ng madaling araw.



Ngayon ko lang nasabing: Masarap magtrabaho.

Promote.

on Thursday, November 1, 2012
Kung maalala niyo yung old post ko na nagpromote ako ng blogsite. Andito ako ulit magppromote. Like niyo yung entry na 'to. Kailangan lang para sa Saranggola Blog Awards. Basta paki-like nalang po. At tatanawin na malaking utang na loob mula sa inyo. Maraming salamat.

Ako si Nikki, Laking Quezon City