Showing posts with label Love. Show all posts
Showing posts with label Love. Show all posts
I miss you. (May pinanghuhugutan version.)
Recently, nagiging malungkutin ako. For the first time.. Nakamiss ako agad ng isang tao. Yun bang parang ang tagal matapos ng araw kasi wala sya. Para bang nakakatamad bumangon sa higaan dahil alam mo na di mo sya makikita. Di sapat ang teknolohiya. Kasi iba pa din yung nakakasama mo sya.
Jealous. Me.
Jealous -
characterized by or proceeding from suspicious fears or envious resentment..
Recently, ang dali ko magselos. Pero oo, aminado ko selosa talaga ako. Ewan ko lang kung bat grabe ngayon. Bat ba nagseselos ang tao? Ako magseselos lang ako once na:
- May ibang gusto yung gusto ko.
- May kaibigan ako na kunwari di sya gusto, pero deep inside tinatago niya sa'yo. Kumbaga, pinaglalaruan ka niya.
- Magkasama nga tayo, nasa iba naman attention mo. Thank you a.
- Pinagmamalaki mo sa'kin na iba kasama mo at masaya ka kahit wala ako.
- Mas pipiliin mo pa maglaro/magFB/gumawa ng ibang bagay kesa makasama ako.
- May kausap kang iba, di mo ko kausap pero sabay tayong online di mo ko sinasagot sa PMs ko.
- HIGIT SA LAHAT, NAKAKALIMUTAN MONG ANDITO KO PARA SA'YO AT SINASARILI MO PROBLEMA MO. IN SHORT.. ALAM MO NA YUN.
Maaari nating sabihin selfish ako. Pero gusto ko kasi ako magpapasaya sa'yo. Kasi never ako magkakaintensyons na paiyakin ka. Patatawanin kita. Pangingitiin. Ayokong may nalulungkot. Lalo na kung special ka sa'kin.
Madaming nagtatanong sa school. Sino ba kasi?! Si ano ba yan? Si ano. HINDI. walang nakakaalam maliban sa'kin. May makakaalam man. Hindi reader ng blog ko. Pero sya. Ewan ko kung binabasa niya blogs ko. Pero alam ko alam niya.
Basta sana lang dumating yung right time. Ganun din pala sya sakin. Kahit na, ganito lang ako...
By Chance
I watched this short film yesterday. And I find it good. Although di ako in love. (Sabi ko.) So yun, the film was about two person who met each other "By Chance". Naging choreographer ni Pao (Yung girl.) si Jam sa vid. And then, dun na sila nagka-developan. And their relationship went well in 1 year. Kaso, nagkaroon ng problema. Napadalas yung away and they almost broke-up. Pero syempre di nila natiis yung isa't-isa and they made-up again.
Actually fan nila ako. Hahah! Pero di ganun kagrabe.
Time travel.
Lahat ng bagay dapat daw i-share. Blog ko 'to e. Sabi ng isang kaibigan sa'kin. So ako naman si masunurin gagawin ko. Tsaka di naman ako magiging ganto kung di naging part ng buhay ko 'tong nakaraan na'to e. (Lol. Ang drama.)
That's me with my ex. Haha. That's along UP Diliman. Kaya Wag na wag niyo kong dadalin sa lugar na yun. Lol.
Sige na nga magkukwento na ko. Sya si Michael. Pinaka sa lahat ng ex ko. Pinakamabait, pinaka-sweet, pinaka-matakaw, pinaka-panget, pinaka-mataba (Lol. Peace tayo.). Pero sya yung pinaka-minahal ko. Lol. Haha! Syempre kaya nga kami umabot ng 11 months e. Kung gano sya kabait, ganun din yung pinsan niya tsaka yung family niya. Although I haven't met his mom, nakausap ko naman sya through telephone. So kilala ako sa kanila. LDR kami. Pero masaya din yung nangyari sa'min. We used to hang-out pag may free time. Pinipilit maka-text ang isa kahit walang load. Makikitext pa yan. Dadayo sa payphone para magsabi ng "Goodnight."
Pero syempre di maiiwasan ang pagbabago ng panahon. We broke up. Natural masakit yun 'no. Namiss ko yung mga panahon na kinakantahan niya ko on phone. Nag-iiyakan kami. Madami. Pero syempre, time heals. Masaya ko kung nasan sya ngayon. At masaya ko sa mga nangyari sa'kin after.
Wala pa kong balak pumasok sa bagong relationship. Nagpapakasaya muna ako with my friends. Sa tamang oras, may panahon ang pag-ibig.
They add me. Why, oh why?
Recently, dumadami na ang naha-hire na guys sa work ko. So kumokonti na ang girls sa'min. And then being a senior, (Well, senior employee na daw ako dahil matagal na ko.) may mga times na ittrain ko sila sa bagay-bagay na dapat nila matutunan. (I'm not saying na magaling ako. Kailangan talaga yun. No choice na ko.) So yun na nga. Dahil minsan nagttrain ako, nagkakataon na nakakasabay ko na din sila magbreak. In short, I am always with the guys. So yun, napagtripan namin na magpicture taking pero wala ako dun kasi ako ang photographer. So yun, syempre automatic I'll upload those photos dahil request nila. Nakakahiya naman kung di ko i-upload. LOL! At ang mga loko sabi pa: "Macy, add mo na din kami ah." So.. May magagawa pa ba ko. Yun na nga in-add ko sila, I uploaded the pictures and I tag them. Tapos na ang misyon ko.
But after a few days, aba ang daming friend request. Girlfriends ng mga lalaking katrabaho ko. OMG?! Anong ibig sabihin nito? Nako ha, alam na.
Iniisip ko lang bat masyadong protective yung ibang partners pagdating sa mga ganitong bagay. Porket may picture may something na kaagad. Pag nakatabi mo lang crush na? Oh my.. Alam ko di ako kagandahan at proud single ako. Wala kong balak makipag-flirt sa mga boyfriend niyo. Masaya ko sa status ko. At hindi ako yung ganung klase ng tao.
Bat ko na naman pinost 'to. Gusto ko lang payuhan yung mga girls, as well as the guys na: May social life din ang mga karelasyon niyo. Di niyo kailangang i-monitor most of the time kung sino ang kasama nila. Kung asawa niyo na sila, siguro maiintindihan ko pa. Tapos pag sinungitan naman sila, magagalit pa din kayo tas sasabihin niyo.. Ano.. NVM.
Let's get matured. Masaya kaya.
Now I'm back.
Last Sunday di ako nagparamdam sa mga Social Networking Sites ko. Including dito. I was sick. Super taas lang ng lagnat ko plus colds and body ache. kaya yun. Magdamag akong nakahiga at nasa bahay lang. Pero nakakatuwa kasi ewan, napagtripan ata ako ng pinsan ko na dalawain nung nalaman niya siguro na may sakit ako. So yun, lunch time sya dumating. Ayun.. Kwentuhan kami tungkol sa school, church, at kung saan saan pa including lovelife. Pero sa totoo lang puro sya yung nagshare. Syempre loveless ako. Di pwede i-display kung sino gusto ko. Haha!! Malihim e. Pero anyway ayun na nga.. Nagkwento lang sya about his recent ex girlfriend. Ayoko ng i-elaborate kung ano man yung mga pinagsasabi niya. What I want to say is. Nakakagulat kasi, dati hilig kong awayin 'tong pinsan ko na'to pero di ko akalain na dadating yung oras na magkukulong kami sa kwarto para pag-usapang ang mga ganitong bagay. Nakakatuwa. At sa'kin pa niya napili i-share. Ang saya. Halos tatlong oras kami nag heart-to-heart talk. Pero nag-enjoy naman kami sa kalokohan namin. Ang saya din pala makipag-bonding sa relatives kahit papano. Haha!!
Late ko na na-share 'tong experience na 'to kasi iniwasan ko muna makasagap ng radiation habang may sakit ako, ngayon pwede na ulit. \m/
Special Acknowledgement sa pinsan kong si Yuuki S*******. Di niya alam na naka-blog yung nangyari. Haha!! Next time lalagay ko yung picture niya. Haha!! Sshhh.
Late ko na na-share 'tong experience na 'to kasi iniwasan ko muna makasagap ng radiation habang may sakit ako, ngayon pwede na ulit. \m/
Special Acknowledgement sa pinsan kong si Yuuki S*******. Di niya alam na naka-blog yung nangyari. Haha!! Next time lalagay ko yung picture niya. Haha!! Sshhh.
Subscribe to:
Posts (Atom)

