Counter ako sa work ko. So obviously ako ang isa sa humaharap sa daan-daang customers araw-araw.
Kanina. Sa di inaasahang pagkakataon meron akong customer, senior citizen. Um-order ng meal na madalas ay 12 minutes bago magawa, sa di inaasahang pagkakataon nagkaroon ng miscommunication na nauwi sa cancel order. Pangalawa merong isang customer. Mukhang big time dahil ang dami niyang order. Tandang tanda ko pa. 2pcs Chicken large coke, ala carte ng 1pc chicken, at chicken with Palabok na may large coke, Burger with cheese na may kasamang large coke and fries at large flavored fries na cheese. Tinanong niya ko kung anong available part. Tinignan k pero puro wing lang ang available at sinna bi ko na yun lang ang meron. nagtanong sya kung may thigh or legs. I told her wala dahil sabi ng kitchen staff ay warmer parts lang ang available. Ibig sabihin ay kung ano lang ang naka-serve, yun na yun. Pero she insisted na maglabas ng other parts. Dahil medyo naalarma na ko sa customer, pinakiusapan ko yung mga tao sa kitchen na magluto ng kahit anong part since willing to wait si customer. Pero imbis na magluto, sinigawan lang nila ko na wala ngang ibang iddrop at puro WING lang ang available. So, I turned back sa customer upang iparating ang sabi ng kitchen. Pero imbis na maintindihan, sinigawan niya ko:
"Ano ba yan?! Tignan niyo yang presyo niyo tapos ibibigay niyo sa customer puro WING PART?!! Willing to wait naman ako kahit isang oras pa yan! Nakakahiya kayo! Di niyo magawang maglabas ng kahit na anong parte!"
Grabe yung sigaw niya. As in napahiya ako. Kaya binalikan ko yung kitchen at pinilit na magluto ng KAHIT ANO MAN LANG! Sa wakas at naisip nila magluto, at dun lang na-settle ang problema.
Sa mga magtatanong kung asan ang manager.. Nasa 3rd counter sya. Ako nasa 2nd.
Ang gusto ko lang naman iparating ay ganito--
Dear customers, hindi po namin nakokontrol ang stocks na dinedeliver. Manager at yung delivery man lang po ang naguusap dun. empleyado lang po kami na humaharap sa inyo upang mabigay ang kailangan ng mga kumakalam niyong sikmura. At isa pa, di po kami robot na walang damdamin sa tuwing sinisigawan at iniinsulto niyo. At tsaka di niyo po alam kung anong kalbaryo ang nararanasan namin kung nasho-short kami. Lalo na sa mga katulad kong nag-aaral din. 4-6hours ng tulog na lamang po ang nakukuha namin.
Lubos na gumagalang,
Counter #294
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Total Pageviews
About Me
- Unknown
Followers
Powered by Blogger.
0 comments:
Post a Comment