Kanina, nasa byahe ako pauwi from work. Sa totoo lang ayoko na nakakatulog ako pagnagbbyahe. Pero this time sa kakagustuhan ko na di makatulog, kung ano ano na lang inisip ko. Nagmuni-muni. And then naalala ko yung Rescue Team. Last summer nag-join ako ng Rescue Team. Unfortunately, di ko sya natapos dahil sa sobrang busy na ko nung mga panahon na yun sa pag asikaso ng requirements for school and work. Sabi ko pa noon: "Okay lang yan." Pero nayon ko lang na-realize na meron pala akong medical side sa sarili ko. anak nga ko ng Mama ko. At kapatid talaga ako ng Kuya ko. Si Mama, caregiver. Si Kuya Nurse. Ako nalang tsaka yung bunso. Pero yun. Nanghinayang talaga ko sa ginawa ko lalo na nung napunta ko sa school ko at nagkaroon ng friends na nursing students. Namiss ko pag-aralan yung medical terms. At namiss ko yung mga Medical Equipments.
LDS Seagull Rescue International--Batch Masigasig
Namiss ko na talaga yung training. Namiss ko yung exercise na sobrang hirap pero sobra ganda ng benefits sa katawan.
Dahil dun, may naisip ako. Next summer babalik ako sa Rescue Team. Kahgit saang lugar pa yung training dadayo ako. Tatapusin ko na talaga. Yoko na mainggit. Haha!! Goal ko na bago magpasukan next year, Proud ako na sabihin na: "Rescue Technician 3 na ako!" At magkakaroon na ako ng chapa. Gusto ko ng action. As the oragnization's motto says:
"WE SERVE.. SO THAT OTHERS MAY LIVE.."
008 - Macy Ampil
0 comments:
Post a Comment