I was browsing some of my friends' post on Facebook then nakita ko 'to. Nagising ako sa katotohanan kung bat ako nagkakaganto. Walang tulog, cramming. I am a Procrastinator.
Meron na nagsabi sa'kin nagsabi na number one procrastinator daw ako dahil sa sobrang tamad ko. Actually tuwing naiinvite ako na maging speaker sa church namin, I always get topics related to Procrastination. Pinaka di ko pa makakalimutan nun yung:
"Never put something for tomorrow what you can do today."
I forgot the exact words pero parang ganyan yun lagi. LOL.
Paano ba kasi maiiwasan yung pagiging procrastinator?
- Set Your Priorities. Mas maganda kung inuuna yung mga importante kesa sa past time lang. Syempre di kailangan maging "Yes-Man". Try to focus on yourself bago sa iba. At para sa'yo. Gawin mo na agad yung mga bagay na pwede mo ng gawin habang may time ka. For example, exercise. Di sya ganun ka-urgent, pero importante sya sa katawan. Alangan naman na hintayin mo pa na magkasakit ka bago mo maisip mag-exercise. Gets niyo?
- Write them down. Sabi nung iba: "Bat pa isusulat kung di naman babasahain?" May tip ako diyan. Walang tao na hindi nakakatagal ng isang araw na di humaharap sa salamin. You post anything na kailangan mo dun. Tignan mo, paggising mo haharap ka sa salamin para ayusin ang sarili mo. Maliligo ka. Aalis ka pagdating mag-aayos bago matulog. Imposible na di mo sya makita pag ganun.
- Do them. Syempre. sayang naman effort mo kung di mo sila gagawin diba. Diyan na papasok si Time Management. Diyan ka na didiskarte kung pano mo pag sasabayin lahat ng activities mo daily, weekly, monthly, hanggang sa pinaka long-ranged goal mo.
Aminado ako na hardcore procrastinator nga ako pero syempre nadala na ko sa nangyari sa'kin. So naisip ko lang na mas masaya siguro na kapag magababago may kasabay ka. Di ka nag-iisa.
P.S.
Thanks sa third favorite author ko Sean Covey for some of his ideas na natutunan ko. :)
0 comments:
Post a Comment