Sudden Change of Mind.

on Saturday, August 25, 2012
Kagabi ko pa pinoproblema sarili ko. Sabi ko: "Bat ba ang immatured ko?" Pero di ko lang talaga alam yung sagot. Pagkasama ko kasi yung school friends ko parang feeling ko ang awkward ng mga nangyayari sa'kin. I reached this age pero yung how I act, di tugma.

Pero pag kasama ko naman yung friends ko outside the school. feeling ko naman super ang tanda ko na. Feeling ko late twenty's na yung age ko pagkasama ko sila although di ako yung pinakamatanda sa grupo. 

I feel weird about myself.

Pero kanina, while traveling back home, may naisip akong mga solutions para mabawasan yung pagiging "immature" ko.

Tatanggalin ko na yung mga gusto/habits ko na di na masyadong tugma sa age ko. Example:


  • K-POP. Cool ang K-Pop totoo yun. Pero san ka pa nakakita ng normal na adult na super baliw na baliw sa K-Pop. Okay lang yung gusto. Few songs and movies will do. Wag naman yung parang album na nila yung mp3 player mo. 
  • Pa-bebe actions. Masyadong childish. Bawas bawasan din. I've grown-up!
  • Reading Materials. Super guilty ako dito. Alam niyo ba na nagbabasa pa ko ng "Dork Diaries". Pero last na yun. Level up na ko dapat.
Pero generally, natutuwa ko sa sarili ko ngayon kasi natututo na ko mag-isip ng mga seryosong bagay katulad nito. Mas nagiging masaya na ko sa araw-araw. Hopefully magawa ko 'to lahat. sarap kaya maging better person. :D

0 comments:

Post a Comment