Hi Kids.
Bakit ba gustong gusto niyo gumala? Okay sige, alam ko enjoy gawin ang bagay na yan. Pero nag-eenjoy ba kayo kung mag-isa lang kayo? Hindi ko alam bat oo ang sagot ng iba sa inyo. I'll get this one straight to the point. This day made me see the real risks of going out without anybody.
My class ended early as usual. And I usually hang out with some friends during lunch time at the canteen. Kaso may klase sila after lunch so I stayed at the canteen. Nakatulog ako as usual. Yun nga lang inaya ako ni Melea na mag st-in sa klase niya since wala akong kasama. Pumayag naman ako expecting na mag-aabot kami nila Kim at Matthew dahil lalabas din sila ng 5pm. Mga 4:30pm, nagtext ako kay Kim telling her na nasa isang room lang ako at kasama ko si Melea. Then I thought nabasa niya agad yung message ko so kampante ako na hihintayin niya ko. Kaso unfortunately, late nabasa ni Kim yung message ko. She was already on her way home nung nabasa niya message ko. And so.. Di na kami natuloy. Pero matigas ang ulo ko. Nag lakwatsa pa din ako. Nakarating ako sa isang lugar na malapit sa school. (I won't mention the name, ask me personally kung gusto niyo malaman.) Actually di sya malapit sa school. Basta mahirap i-explain. At first I had a prompting na ilagay yung bag ko sa harap dahil backpack sya. But I ignored it. Meron akong dinaanang overpass and pagbaba ko, naisip ko icheck yung phone ko kung may nagtext at ipprepare ko na sana yung pera ko since gutom na ko. And that's the only time I noticed na.. Nawawala WALLET ko! Oo as in yung buong wallet which contains all of my money and yung mga resibo na tinatago ko dahil sa spelling ng pangalan ko, which I call them remembrance. Literally, namutla ako. Di ko alam kung anong gagawin ko. Pano ko uuwi. Ang malalapit lang sa kinalalagyan ko sila Melea at Kim. "Sakto may load ako, may pag-asa pa" sabi ko. I called Melea na nasa malapit na lugar lang. And eventually nagkita kami since I really need her dahil mas kabisado niya yung lugar. I tried to call a lot of friends na mauutangan para mapagtakpan yung pera na nawala sa'kin. Kaso walang pwedeng puntahan. Thanks to Melea for lending me an amount of money na makakauwi ako. Tapos na sana yung kwento. Akala ko.
I am still texting some friends hanggang sa makasakay kami ng jeep. Hoping na may mahihiraman pa din dahil dun nakasalalay yung pamasahe ko for the week. Kaso, all of a sudden someone snatched my phone. My mind tells me to run after it pero nanginig yung katawan ko sa nangyari. All I said was: Sy******t! wag ngayon! Kaso wala na kong nagawa. Seriously natakot ako. Natakot na ko bumyahe pauwi kahit na alam kong wala ng makukuha sa'kin. Pero kailangan.
Nasa byahe na ko nung pinagiisipan ko ko yung nangyari. Lahat ng nangyari simula nung nasa school ako. Naalala ko yung sinabi ni Kim: Uwi na Kid. Matulog ka na lang. How I wished na sinunod ko na lang sya. Since sya naman yung lagi kong kasama sa mga lakad ko, di ko alam kung bakit di ko man lang naisip na makinig. Matigas ang ulo. Di ko alam bat di ko nagawang sundin yung payo ni Kim. Warning na pala yun..
So Kids, always think about everything you do. Always listen to every word you will hear. kahit pa di mo magulang yan. Malay mo may ibig sabihin na yan. Ingat tayo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Total Pageviews
Blog Archive
-
▼
2012
(85)
-
▼
October
(26)
- Epic All Night.
- Blog.
- May Dumadating.. Para Mang-Iwan.
- Alejandro Manzano.
- Maulan.
- Back to Basics.
- The Getaway 2.
- Unwanted feeling.
- Masarap maging stressed, kahit minsan.
- Yieee.
- YOU make me smile.
- It's like I don't want to let go anymore...
- Bad Vibe.
- I miss you. (May pinanghuhugutan version.)
- Concentration makes a rhythm.
- Jealous part 2.
- Fail.
- Finals.
- Drama? Or..
- I smile. I laugh... But there's still history.
- Always Listen.
- Plans.
- Oh Hi Sunday.
- Jealous. Me.
- iTea. Pinatawa ako niyan.
- I miss you!
-
▼
October
(26)
About Me
- Unknown
Followers
Powered by Blogger.
0 comments:
Post a Comment