Last Saturday, pauwi na kami ni Ate Nikki from St. Mary's College. Nagkukwentuhan kami about her personal stuffs which I don't want to mention here. (Personal nga diba?!) So habang naguusap kami, nakarating kami sa topic about settling down. In short, finding the right guy and eventually getting married. Nung kasama ko si Ate Nikki, I was taking the conversation lightly. I mean, oo I give her my full attention pero hindi ko masyadong napag-iisipan yung ibang bagay. And then bumaba na si Ate Nikki sa dapat niyang pagbabaan and I was left at the FX kasi malayo pa ko. Then dun ko naisip yung mga pinag-usapan namin. Ano ba talagang plano ko sa buhay ko? Ano nalang ang mangyayari sa'kin. Ganito nalang ba ko forever? So nag-isip ako ng plans, well they are not meant to happen in the exact manner i will mention them but at least may guide na ko.
- Next semester, magstart na ko na asikasuhin yung requirements ko for BYU. It might be Provo or Idaho. Kung saan ako ma-qualify.
- Probably next year maka-enroll na sa BYU syempre.
- After graduating college, approximately.. 24 years old na ko nun. I want to build my career kung saang field man ako mapunta during that time.
- In two years, gusto ko may mabili na ko sa sarili ko. It might be a house or I might establish my own business.
- Maybe 27 or 28? If destiny will give me the chance to meet the right guy. Maybe that's the only time that I would be settling down.
Guide lang yan. Hindi ko sinabing ganyan talaga ang mangyayari. Depende pa din sa nangyayari ngayon kung anong mangyayari bukas, at sa susunod pang mga araw.
0 comments:
Post a Comment