The Getaway 2.

on Tuesday, October 23, 2012
Sa sobrang dami ng naganap dun sa sinasabi kong lakad namin sa Pampanga last weekend, di ko alam kung ano ang ikukwento. Pero dahil nai-blog na ni Ate Nikki yung aming "Pampanga Escapade" na tinatawag niya, basahin niyo nalang dun at dadagdagan ko nalang. Haha!

1st Day

Bat may adventure? Ako ang may pakana. Oo, alam ko papunta sa Pampanga pero malituhin ako kaya medyo nagkagulo kaming lahat.

Habang bumabyahe:

"Malayo pa ba tayo? Ako kasi malapit na sa puso mo e."
"Ang lakas ng hangin, nililipad tuloy puso ko palapita sa'yo."
"Inaantok ka ba? Nakahanda na kasi yung hihigaan mo sa puso ko e."


(Speechless na ko sa sobrang kilig. Hahaha!!!)

Habang nagpapahinga kami ng makarating kami sa tutuluyan namin, naisip naming manood ng TV. Sayang naman kasi kung ang laki laki niya tas di man lang namin gagamitin.


Di talaga namin kasama si Ate Nikki dahil nandun sila ni "Kuya" sa taas. pinag-uusapan yung mga gagawin namin. Kasalukuyan naming pinapanood yung "First day High" niyan. Hahaha!

Swimming. Di ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa part ng "Escapade" namin na 'to. Napatunayan ko lang na di para sa'kin ang swimming. Salamat sa effort ni Kim na turuan ako. Pero kahit na anong gawin namin. Hanggang dun nalang ata ako. Hahaha!!

Pagkatapos ng swimming plano na namin kumain at pagkatapos ay paparty na . Kaso, Pagkatapos namin maligo at magbihis, yung tipong paalis na kami, biglang nagbrown-out. Nag-semi panic ang lahat dahil di rin namin alam kung ano ang pwedeng mangyari. Pero buti nalang at nagkaroon muli ng ilaw bago pa man kami nakaalis.

So sa wakas, makakakain na kami. Ang plano: Jumong's Korean Restaurant. Korean restaurant ang napag-usapan dahil sa'min nga ni Kim. Papunta pa lang kasi ng Enclave, mas inisip na namin kung san kami kakain kesa sa tutuluyan namin. Kaso sa kasamaang palad, sarado yung Jumong's. Wala na kamimng magagawa kundi humanap ng ibang makakainan. Buti nalang nakita namin yung Sum Na Ra Korean Restaurant. Although walang shabu-shabu kagaya sa Jumong's, solve na din.


So ayun na nga, tinutuloy ko lang yung kwento.. Pagkakain nag Central muna kami habang naghihintay nga ng oras sa Hacienda.

Hacienda. Tipikal na party party lang ginawa namin. Pero sa pag-uwi ako natawa na ewan. Lumabas yung mga usapang"

"Tumigil ka nga, sampal sampalin kita diyan e."
"Wag mo akong sampalin, dahil di ako sampal." (Labo 'no.)

"Pano yan, pulis ako?"
"Mas pulis ako sa'yo. Ano kaya ako.. PO234A34576.." 

"Hoy Pikachu." (Sino si Pikachu?)

"Pupunta yang si JP sa Taiwan bukas e." (Sino si JP. At aba, bukas na bukas din pupunta na sya ng Taiwan.)



Nakalimutan ko na yung iba at baka magalit na sya sa'kin. Peace.

2nd Day. Last day. (Malamang. Overnight nga lang e.)

Maaga kaming nagising lahat. Nagising kami para matulog. Hahaha! Wala na kong makwento dahil lang sa nagkatamaran lang kami umuwi pero wala kaming magagawa dahil kailangan na talaga namin umuwi.




*Yun lang. Haha! Credits to Kim sa pictures. :)

0 comments:

Post a Comment