ePerformax Powertrip.

on Saturday, September 8, 2012
Bumabalik na naman ako sa paghahanap ng trabaho status. Pumunta ko sa isang mall na lagi kong nadadaanan bago umuwi para mag-walk-in at magtanong kung hiring sila. Ang dami kong pinuntahan, puro fast food chain. Lahat sila siguradong petix kung sakaling maha-hire ako. Tas habang nag-iikot ako sa mall, may nakita akong booth. Kala ko nung una Coffee Booth kasi may nakalagay: "Brewing Career 2go" Tas meron kasing dispenser na nakalagay kaya kala ko nagtitinda talaga. So yun lumapit ako, tas may kumausap sa'kin:

Stranger: Mag-aapply ka po.

Ako: *Startled* Ha? Call center po ba 'to? O.O

Stranger: Opo. Gusto po ba nila mag-apply? Di na kailangan ng resume, paki-input lang yung informations dito. *points at the computer.*

Ako: Sang lugar po ba yan?

Stranger: Sa Makati po.

Ako: Walang ibang branch?

Stranger: Sa Cebu lang po.

Ako: Ah..

Stranger: Try na po nila magpa-interview ngayon, wala naman pong mawawala.

Ako: Hmmm.. Sige.

Tas ayun na nga. I did the process for two hours and finally got the result.

Stranger2: Macy, unfortunately you are not qualified for the position. But if you are still interested you may re-apply after 6 months.

Pero syempre wala kong balak bumalik dun 'no. Haha!! Napadaan nga lang ako dun habang naghahanap ng makakain e. 



Yan yung company, ePerformax. Ngayon ko lang narinig yang company na yan. At mukhang bago palang. 10 years palang.

At mukhang party people ang mga nagtatrabaho. Hahaha!! Pero at least nag-enjoy ako sa pag-aapply. Pero siguro nga di para sa'kin yung call center. Haha!! Okay lang, tama na siguro yung isa sa family ang dadaan ng call center. Pero, saludo pa din ako sa call center industry. Diyan kaya kami kumuha ng mga pangangailangan namin. Yun nga lang di na ngayon. Hahaha!

0 comments:

Post a Comment