on Monday, September 24, 2012
"Salamat sa technology"

Ngayon lang ako nainis sa statement na 'to. Panget din pala ng virtual interaction. Kung kailan kailangan na andun ka. Saka ka wala. Ang hirap din pala nun. Minsan ka nalang maging concerned, yun nga lang you are miles away. Wala kang magawa. You tried to talk through technology pero alam mo sa sarili mo may kulang. Wala ka dun para patahanin sya. Wala ka kung kailan nag-iisa sya. Nasasaktan sya pero sa'yo doble. Nasasaktan ka dahil nasasaktan sya, at nasasaktan ka kasi wala kang magawa. Di mo maparamdam na andiyan ka para sa kanya. Ano mang oras. Sana. Di mo alam kung okay na ba talaga sya. Di mo alam kung ano yung nasa isip niya. Wala kang magawa.



Minsan lang ako nagkaroon ng mga kaibigan na kahit na magkalayo na kayo, di ka pa rin mapakali para sa kanila. Apektado ka. Naalala ko tuloy yung sabi sa isang Fan Page sa Facebook.


Kaibigan--Ang tawag sa mga kapatid mo sa ibang magulang.

Ngayon na lang ako naging ganto ulit. I guess naka-move on na ko sa dati kong kaibigan na binalewala lang ako. True friends will stay if they are worth keeping.





Drama. Wala kasing laman ang utak ko ngayon bukod sa pag-iisip kung anong sakit ko ngayon. At anong sakit ng mga tao sa paligid ko ngayon. Oh my..

0 comments:

Post a Comment