POWERTRIP.

on Saturday, September 22, 2012
Di ako confident na maganda post ko ngayon. But anyway, magpopost na din ako. 


So ano na ba nangyari sa'kin after a week ng kabusyhan. Okay, I had my restday for this weekend at ganun din ang iba kong mga schoolmate. So, school lang kami for today. Dahil Saturday ngayon, madami sa klase ang naka-jeans and it was just like an ordinary weekend. So yun na, bigla nalang pumasok ang registrar ng school at nagwarla sa room. Lumabas daw sa classroom lahat--as in LAHAT ng students na di naka-uniform (college shirt) at naka-jeans. OMG! May karamihan kami na naka-jeans at walang kibo-kibo, pack-up at lumabas kami ng room. Deadma lang. Hahaha! sabi nga ng isang napalabas: "Okay lang pabor nga yun e." Ang kinalabasan sa canteen kami napadpad. But wait! There's more. May part 2 ang pang-wawarla ng registrar. Sinundan pa kami sa canteen at nagsermon. Na-special mention pa yung natatanging regular student sa amin. Pero.. Wala lang. Hahaha! Pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwa. Bat namin dadamdamin yun. Hahaha!! Dahil wala naman kaming gagawin na dahil wala na kaming klase, naisip namin na lumabas. Kumain. Gumala.

First stop. Love Desserts.


Di ako kumuha nung picture. Sa google lang yan. 2 hours ng dessert all you can. Seriously, sa sobrang dami di ko alam uunahin ko. Hahaha! Pero ayun, di ko napansin na nakadami din pala kami. Haha! Ang di ko lang makalimutan yung Bubblegum and orange flavored na ice cream na pinaghalo namin ni Kim. Imagine kung anong lasa nun. At yung Caffe Americano na may jetlag. Oo, may jetlag galing states. 

After kumain naisip na namin na pumunta na ng SM Manila para sa cosplay. But unfortunately, umulan dahil na naman sa'kin. Alam niyo naman na siguro kung bakit. Pero buti nalang mga after 10 or 15 minutes, nakasakay na kami ng matiwasay sa jeep.

Dahil may jetlag yung kape kanina mukhang matindi ang naging tama sa'kin. Ang daldal ko sa jeep. Maski siksikan. tuloy lang ang daldal. Madaming gala na din ang nasamahan ko pero yung kanina lang yung pinaka madaldal ako. (Salamat nga pala kay Joker sa walang sawang pagtawa sa kalokohan ko.) Alam ko inaantok na sila dahil sa madami nga kaming nakain at alam kong nananahimik sila dahil sa isang pakiramdam na kailangan pigilin. Nararamdaman ko din yun, pero ewan. Nanaig ang kapangyarihan ng kapeng may jetlag. Daldal lang.

Pagkatapos ng ilang oras nilang kalbaryo sa kadaldalan ko, sa wakas! Nakarating na kami sa paroroonan namin. Pero medyo naligaw ata kami dahil di namin makita kung nasaan yung event na papanoorin namin. Salamat kay kuyang guard sa pagsabi kung saan yung cosplay. Nakarating naman kami. Anong ginawa namin? Nagpapicture, nanlait ng costumes at.. At.. Yun lang. Hahaha!!


Ayan yung iba sa mga nagcocosplay. Di namin alam at wala ng balak alamin kung anong nangyari sa kanila sa event. Ang importante nakapunta kami. Hahaha! Selfish.

Dahil nakakabagot. Nagkaayaan. Videoke. First stop sa Quantum, madaming tao. Second stop, World of Fun, madami pa ding tao. May waiting pa. Last stop, sa isang hub na nakalimutan ko kung ano yung pangalan. Di masyadong pansinin yung lugar kaya konti lang yung tao. At swerte. May bakanteng room para sa'min. At alam niyo na ang nangyari. Haha!

Bago umuwi, nagutom si Kim. Nagccrave sa street foods. Gusto daw niya ng fried isaw. Pero ang kinain namin kwek-kwek. Hahaha! Tig-eight kaming lahat. And ang result. Na-highblood daw siya. Haha! (Pagaling ka.) At sa wakas! Naisip na namin umuwi. Sabay sabay kami kasi iisa lang yung way na kailangan naming bagtasin. Pa-Fairview. wala kong magagawa, two rides ang tanging paraan para makauwi ako at mailimbag ang post ko na ito. Pagsakay na pagsakay at nang makabayad, zzzz. Tulog kaming tatlo nila Neo at Clem. Aminado ko, nalobat ako sa pinaggagagawa ko buong araw. At doon na natatapos yung kwento dahil tulog nga kami diba?!



Isang araw ng pagsasaya. Isang araw na binawi lahat ng pagod sa isang buong linggo. Natapos ang thesis defense, nagduty sa ospital at trabaho, gumawa ng assignment, nakipag-deal sa iba't-ibang klase ng tao. Isang araw ng pagsasaya, di na masama.

0 comments:

Post a Comment