PDA. Public Display of.. Argument?!

on Sunday, September 16, 2012
Pauwi na ko kanina from work and then nung pag sakay ko nung bus, may sumakay na isang lalaki at isang babae. Yung guy, sa tabi ko umupo at yung girl, sa harap nung guy. Akala ko talaga kanina di sila magkakilala until I noticed na parang nag-uusap sila. Kala ko naman magkaibigan lang. And then bumaba yung katabi nung girl. (I forgot to mention na may katabi yung girl.) So ayun na, kinuha na ni guy yung chance na tumabi kay girl. So sabi ko: "Ay, magboyfriend." And then yung guy napansin ko. Tinatry niya na akbayan yung girl. Pero yung girl, pinipilit na alisin yung pagkakaakbay ni kuya. Inalis naman niya yung braso niya na nakapulupot kay girl. Tas narinig ko, (di sinasadya.) na nag-aaway sila. Di ko alam kung anong pinag-aawayan nila pero narinig ko lang si girl sabi: "Di ako kagaya nila." Tas yun, nag-aaway sila sa loob ng bus. Di ko naman narinig at pinakinggan dahil maingay yung bus at isa pa, di ako chismosa. So nung di na nakatiis yung guy, bumaba na siya at di na inintindi yung girl, pero sinundan pa din siya nito. Nakita ko lang, na di man lang pinansin nung guy yung girl. Talagang dire-diretso sya kung san man sya patungo. Iniwan niya yun girl sa labas ng subdivision na pinagbabaan nila.

And then napaisip ako. Bat pag nag-aaway kailangan nakikita ng madami? Di ba nila naisip na ang awkward ng ginagawa nila? Si girl naman, sinusuyo na nung una, nag-inarte pa. Yan tuloy, iniwan sya nung guy. Si kuya naman, babae pa din naman yung girlfriend niya. Di man lang niya naisip na baka may kung anong mangyari sa girlfriend niya dahil sa pang-iiwan niya. Pwede naman siguro sila mag-usap privately diba? Kung kailangan na mag-usap, pwedeng gawin ng mahinahon. Di kailangan sumigaw. Tas magagalit kayo pag pinagtitignanan na kayo. Tss.

Sa mga naghahanap ng picture, I don't have the guts para kuhaan sila ng litrato. Mamaya makita pa nila ko. Edi nasama pa ko sa away nila.

0 comments:

Post a Comment