Bad Vibe.

on Monday, October 15, 2012
Nakakairita yung mga taong paasa. Yun bang ang sagot nung una "Yes". And then Kung kailan malapit na. Bigla nilang sasabihin "No". Nakakainis kasi sabay pa. Ang malas ko lang. Alam mo yung nag-inform ka sa kanila ahead of time. Tas may konti lang nangyari, binawi na. Walang isang salita. Pati tuloy ako madadamay. di ba nila naisip na iisipin nung mga taong kausap ko na ako yung walang isang salita. Di kasi sila yung kaharap e, kaya malakas ang loob nila magpaasa. Pero may magagawa ba ko? Mas mataas sila sa'kin.



Kanina ko pa gusto ilabas 'tong sama ng loob ko. Nadamay tuloy mga customers ko kanina. Kung sino man kayo na nasungitan ko kanina, Patawad.

0 comments:

Post a Comment