Concentration makes a rhythm.

on Saturday, October 13, 2012
Nung High School ako, pag wala kaming teacher favorite naming maglaro ng "Concentration". Eto yung game na parang magpapasahan lang kayo ng number pero dahil sa pabilis ng pabilis yung ikot ng laro niyo, mahihilo ka at matatalo. Pag natalo ka ikaw ang mapaparusahan batay sa napag-usapan.

Kanina, after final exam naisip namin maglaro ng concentration. Ako ang nag-aya. Nung una halos lahat ayaw kasi di daw sila familiar sa game, pero dahil sa mapilit ako. Natuloy ang laro. Nag-enjoy naman sila di dahil sa laro, kundi dahil sa parusa.

Sino ba naman kasi ang di mababaliw sa mga parusa? (Blame Kim.)


  • Papapak ng 3in1 na coffee pero di nakahalo sa tubig. Powdered.
  • Flat tops na may asin.
  • Flat tops na may brown sugar, asin at powdered 3in1.
  • Flat tops na may brown sugar, asin, powdered 3in1 at Marty's crackling na sinawsaw sa suka.
  • Yung finale, isang kutsarang powdered 3in1 na may kalahating kutsara ng brownsugar na may suka.
Madami pa yan. Paghaluhaluin niyo lang yung mga nabanggit sa taas at yun na yun. At pagkatapos, nagkaroon na ng giyera sa tiyan ko. Di ko na alam. 

0 comments:

Post a Comment