Maulan.

on Thursday, October 25, 2012
Kung di ko lang alam na October palang ngayon, iisipin ko na kaagad na February na ngayon. Bat naman kasi pagbukas ko ng Facebook account ko e, puro mga pang-inlababo na status yung lumabas sa news feed ko. Yun bang mga "lovers" na nag-uusap sa status ng partner nila. Tss.

Di ako bitter.

Bat naman kasi kung kailan pa ko may namiss saka pa sumabay yung mga ganyang status. Naalala ko lang tuloy yung nakaraan. 

Naka-move on naman na ko. Pero syempre, naging parte na sya ng buhay ko imposible namang di ko sya maalala kahit minsan. Abnormal lang yung makakalimot kung pinahalagahan minahal mo yung tao diba. Gets mo?




Drama dramahan naman ako. Tag-ulan lang kasi. Malamig. Malamig. Mag-isa. LOL! 

0 comments:

Post a Comment