Jealous. Me.

on Saturday, October 6, 2012
Jealous -  characterized by or proceeding from suspicious fears or envious resentment..

Recently, ang dali ko magselos. Pero oo, aminado ko selosa talaga ako. Ewan ko lang kung bat grabe ngayon. Bat ba nagseselos ang tao? Ako magseselos lang ako once na:

  1. May ibang gusto yung gusto ko.
  2. May kaibigan ako na kunwari di sya gusto, pero deep inside tinatago niya sa'yo. Kumbaga, pinaglalaruan ka niya.
  3. Magkasama nga tayo, nasa iba naman attention mo. Thank you a.
  4. Pinagmamalaki mo sa'kin na iba kasama mo at masaya ka kahit wala ako.
  5. Mas pipiliin mo pa maglaro/magFB/gumawa ng ibang bagay kesa makasama ako.
  6. May kausap kang iba, di mo ko kausap pero sabay tayong online di mo ko sinasagot sa PMs ko.
  7. HIGIT SA LAHAT, NAKAKALIMUTAN MONG ANDITO KO PARA SA'YO AT SINASARILI MO PROBLEMA MO. IN SHORT.. ALAM MO NA YUN.
Maaari nating sabihin selfish ako. Pero gusto ko kasi ako magpapasaya sa'yo. Kasi never ako magkakaintensyons na paiyakin ka. Patatawanin kita. Pangingitiin. Ayokong may nalulungkot. Lalo na kung special ka sa'kin.

Madaming nagtatanong sa school. Sino ba kasi?! Si ano ba yan? Si ano. HINDI. walang nakakaalam maliban sa'kin. May makakaalam man. Hindi reader ng blog ko. Pero sya. Ewan ko kung binabasa niya blogs ko. Pero alam ko alam niya.

Basta sana lang dumating yung right time. Ganun din pala sya sakin. Kahit na, ganito lang ako... 

0 comments:

Post a Comment