Epic All Night.

on Tuesday, October 30, 2012
As usual, pagkagaling ko ng work I used to ride to buses para makauwi dahil sarado na ang MRT station. Kaso kanina ang epic lang. Nasa kalagitnaan ako ng byahe from workplace to SM North (which is my first stop.) E may naramdaman akong di maganda. Mahirap pigilan. Geez, naiihi ako. Hahaha!! Sabi ko, kaya ko yun. Mapipigilan ko yun hanggang pag-uwi. Kaso, di e. Medyo nahihirapan na ko, ang alog pa nung bus. And worst, sarado na ang malls para makahanap ng CR. Ang nasabi ko na lang sa isip ko: Anong gagawin kooo?!

Nakarating na ko sa SM North, sa may Annex ako binaba tapos may nakita kong guards malapit dun sa bangko. Nagtanong na ko.

AKO: Kuya, may malapit ba na CR dito?
GUARD: Wala na e.. Ay sa Padis bukas pa doon.
AKO: Sa Padis?
GUARD: Oo, akyat ka sa taas.
AKO: Sa taas talaga kuya?
GUARD: Oo bukas pa yun.

Shock. Papasok ako sa isang lugar para lang maki-CR?! Nakakahiya. Pero nasabi ko nalang din sa sarili ko. Anong mas nakakahiya? Ang abutan ng di maganadang pangyayari o maki-CR ng maayos upang mailabas ang di kanais-nais na pakiramdam. Naisip ko naman: "Mag-isa lang ako. So DI masyadong nakakahiya kung gagawin ko."

So ayun. Naglakas na ko ng loob na pumasok sa Padis (mag-isa) para lang mag-CR. At syempre. Success!



--
Pagpasok ko sa Padis, maingay, party people ang mga tao dahil Gangnam Style yung tugtog. Tas isa lang yung naalala ko. Haciendaaaa! Kagabi pa namin pinag-uusapan ni Ate Nikki na gusto namin bumalik ng Hacienda para makapagsaya. Nakakamiss lang sobra.


0 comments:

Post a Comment