Masarap maging stressed, kahit minsan.

on Thursday, October 18, 2012
Hell week ngayon dahil sa sangkatutak na final exam. And sa wakas, natapos na. Dumagdag pa ang stress sa trabaho. Sangkatutak na complains for the week and syempre ang di nawawala sa lahat, ang short. Hahah! So what? Kaya yan.

Daming tao kanina sa work kasi magkakaroon ng midnight sale bukas sa mall na pinagtatrabahuhan ko. Nagkataon pa na pagbaba ko sa station ko kanina sabi ng manager ko:

"Macy, magbreak ka na. Dami niyong kahera e."

AKO: "Hala sir, kaka-in ko lang. (Uminom ako ng Enervon bago mag-in.)

SIR: "Okay lang yan. Sige na magbreak ka na."


So wala na kong nagawa. Nagsulat ng meal at nag-break out. After ko kumain uminom na naman ako ng Enervon at nakiinom ng softdrinks (Oo, may "S" kasi iba-ibang softdrinks ininom ko para di ma-hypogly.) Isama pa yung 1/4 na baso ng energy drink. Kailangan ko kasi ng energy since wala na akong break at magtatrabaho ako from 4-10pm. With a trainee.

So what about the trainee? First job niya ata so sobrang naninibago sya sa buhay ng may trabaho. So yun, medyo nagkagulo kami dahil sa taranta niya. Na nagresulta para mataranta din ako dahil nakikisabay sya sa customer ko. Pero okay naman sya. Ganun lang talaga sa simula. At least, TRAINER na ko.




Masarap ma-stress, kasi mararamdaman mo yung saya kasi alam mong pinaghirapan mo. 

0 comments:

Post a Comment