They add me. Why, oh why?

on Thursday, September 6, 2012
Recently, dumadami na ang naha-hire na guys sa work ko. So kumokonti na ang girls sa'min. And then being a senior, (Well, senior employee na daw ako dahil matagal na ko.) may mga times na ittrain ko sila sa bagay-bagay na dapat nila matutunan. (I'm not saying na magaling ako. Kailangan talaga yun. No choice na ko.) So yun na nga. Dahil minsan nagttrain ako, nagkakataon na nakakasabay ko na din sila magbreak. In short, I am always with the guys. So yun, napagtripan namin na magpicture taking pero wala ako dun kasi ako ang photographer. So yun, syempre automatic I'll upload those photos dahil request nila. Nakakahiya naman kung di ko i-upload. LOL! At ang mga loko sabi pa: "Macy, add mo na din kami ah." So.. May magagawa pa ba ko. Yun na nga in-add ko sila, I uploaded the pictures and I tag them. Tapos na ang misyon ko. 

But after a few days, aba ang daming friend request. Girlfriends ng mga lalaking katrabaho ko. OMG?! Anong ibig sabihin nito? Nako ha, alam na. 

Iniisip ko lang bat masyadong protective yung ibang partners pagdating sa mga ganitong bagay. Porket may picture may something na kaagad. Pag nakatabi mo lang crush na? Oh my.. Alam ko di ako kagandahan at proud single ako. Wala kong balak makipag-flirt sa mga boyfriend niyo. Masaya ko sa status ko. At hindi ako yung ganung klase ng tao.

Bat ko na naman pinost 'to. Gusto ko lang payuhan yung mga girls, as well as the guys na: May social life din ang mga karelasyon niyo. Di niyo kailangang i-monitor most of the time kung sino ang kasama nila. Kung asawa niyo na sila, siguro maiintindihan ko pa. Tapos pag sinungitan naman sila, magagalit pa din kayo tas sasabihin niyo.. Ano.. NVM.

Let's get matured. Masaya kaya.

0 comments:

Post a Comment