Time travel.

on Monday, September 10, 2012
Lahat ng bagay dapat daw i-share. Blog ko 'to e. Sabi ng isang kaibigan sa'kin. So ako naman si masunurin gagawin ko. Tsaka di naman ako magiging ganto kung di naging part ng buhay ko 'tong nakaraan na'to e. (Lol. Ang drama.)



That's me with my ex. Haha. That's along UP Diliman. Kaya Wag na wag niyo kong dadalin sa lugar na yun. Lol. 

Sige na nga magkukwento na ko. Sya si Michael. Pinaka sa lahat ng ex ko. Pinakamabait, pinaka-sweet, pinaka-matakaw, pinaka-panget, pinaka-mataba (Lol. Peace tayo.). Pero sya yung pinaka-minahal ko. Lol. Haha! Syempre kaya nga kami umabot ng 11 months e. Kung gano sya kabait, ganun din yung pinsan niya tsaka yung family niya. Although I haven't met his mom, nakausap ko naman sya through telephone. So kilala ako sa kanila. LDR kami. Pero masaya din yung nangyari sa'min. We used to hang-out pag may free time. Pinipilit maka-text ang isa kahit walang load. Makikitext pa yan. Dadayo sa payphone para magsabi ng "Goodnight." 

Pero syempre di maiiwasan ang pagbabago ng panahon. We broke up. Natural masakit yun 'no. Namiss ko yung mga panahon na kinakantahan niya ko on phone. Nag-iiyakan kami. Madami. Pero syempre, time heals. Masaya ko kung nasan sya ngayon. At masaya ko sa mga nangyari sa'kin after.

Wala pa kong balak pumasok sa bagong relationship. Nagpapakasaya muna ako with my friends. Sa tamang oras, may panahon ang pag-ibig.

0 comments:

Post a Comment